Awkward moment
Share ko lang. Kakatapos lang ng huling klase namin kanina. Tulad ng dati, nakihati na naman ako sa sandwich niya. Nagdesisyon na kaming umuwi, pero dumaan muna kami sa 7-eleven para bumili ng inumin. Bigla siyang nag-open. "Uy, yung tungkol sa kahapon, napikon ka ba sa 'kin?" Napaisip ako. "Oo, nainis ako. Alam mo naman na inis ako 'di ba?" "Oo, pero pag-usapan muna natin, dito muna tayo, ok lang?" Nakatapat kami sa magazine rack, tumitingin ng mga magazine habang nag-uusap. Nailang ako. Alam ko kasi na ayos na kami. Madali naman mawala ang inis ko, lalo na sa kanya. Pero sinimulan niya ulit kaya naalala ko na naman. "Napikon ako, I felt miserable. Parang ako lang yung taong ginaganon mo, na feeling ko mali na naman ako." Kinutya niya kasi ako kahapon tungkol sa violent reactions ko sa mga ka-meeting namin, masyado raw akong obvious na naglu-loose comment, naiirita at nagtataray. Pinagtawanan pa niya ako nung nakita nila sa mukha ko na g...