Awkward moment
Share ko lang.
Kakatapos lang ng huling klase namin kanina. Tulad ng dati, nakihati na naman ako sa sandwich niya. Nagdesisyon na kaming umuwi, pero dumaan muna kami sa 7-eleven para bumili ng inumin. Bigla siyang nag-open.
"Uy, yung tungkol sa kahapon, napikon ka ba sa 'kin?"
Napaisip ako. "Oo, nainis ako. Alam mo naman na inis ako 'di ba?"
"Oo, pero pag-usapan muna natin, dito muna tayo, ok lang?" Nakatapat kami sa magazine rack, tumitingin ng mga magazine habang nag-uusap.
Nailang ako. Alam ko kasi na ayos na kami. Madali naman mawala ang inis ko, lalo na sa kanya. Pero sinimulan niya ulit kaya naalala ko na naman.
"Napikon ako, I felt miserable. Parang ako lang yung taong ginaganon mo, na feeling ko mali na naman ako."
Kinutya niya kasi ako kahapon tungkol sa violent reactions ko sa mga ka-meeting namin, masyado raw akong obvious na naglu-loose comment, naiirita at nagtataray. Pinagtawanan pa niya ako nung nakita nila sa mukha ko na gulat na gulat sa mga nangyayari sa mga kaharap naming kung anu-ano ang pinag-uusapan. Paulit-ulit pa akong kinukutya. Nasabihan ko tuloy siyang "Ikaw na ang magaling, ikaw na ang maalam, ikaw na ang magaling makipag-usap!" Mukhang tinablan siya doon. Pero ang alam ko ayos na kami nung gabing yun habang lumilibot kami sa mall.
Magkaiba kasi ang values namin pagdating sa pakikitungo sa tao. Siya, masyadong diplomatic. Dapat maganda palagi ang maririnig sa 'yo ng tao. Ako naman, masyadong prangka. Mas totoo sa pandinig, mas tagos sa puso, mas maganda.
"Bakit, natatakot kang magtampo ako sa 'yo, na magalit ako sa 'yo?" tanong ko. Natahimik siya.
"Hindi, parang sumosobra na kasi ako, na parang palagi pinipilit ko na ako yung tama sa 'yo, na hindi naman dapat..."
"... Uy, sorry ha," sabi niya. Ako naman ang natahimik.
"Ang sa akin naman, maasar ako, mapipikon, pero at the end of the day, iisipin ko kung nagkamali nga ba ako," sabi ko. "Iniisip ko rin naman na may point ka, na kelangan magmellow rin ako sa mga kilos ko."
"Hindi ko rin naman kasi alam kung ako yung tama, o tama rin naman yung maging outspoken. Ayun... self righteous ba ako?"
"Self-absorbed." Pabiro kong sinagot.
Nagtuluy-tuloy pa nang kaunti ang aming usapan. Inungkat na naman namin yung pagmumura ko sa office, yung mga panahon na nasa field kami at ibang tao. Niyaya ko siyang kumain sa kung saan, pero busog daw siya, at sandali lang naman daw yung usap namin.
"Basta rest assured na I take your comments in a positive way, always. Minsan maasar ako, pero sandali lang yun. Alam mo rin naman kung napipikon na ako eh. Saka halata ka kaya kapag tinatantsa mo kung galit ako, tatanungin mo ako ng random questions..."
"Hindi naman tinatantsa, alam ko na napipikon ka, nag-aappease lang ako."
Hanggang sa nagkahiwalay na kami, yun na ang naaalala kong huling pinag-usapan namin.
Nagtext ako, "Salamat sa pagiging open at frank ha. Awkward lang pero sobrang naappreciate ko xa."
"Thanks din. aayos na ako. haha" reply niya.
Wala akong nakilalang taong napakatapat, napaka-sincere at napakalambing na makipag-usap sa aking ng ganoon. At tunay kong itinatangi ang pagkakataong ito, kahit "awkward."
Umiibig na naman ata talaga ako. Buwiset.

Comments