Posts

Showing posts from August, 2009

Vow of Silence

Just when you are about to move on, it keeps on coming back. When you're loud, you blow things out of proportions. When you're silent, you let things die. And when you just utter a word once more, you raise the dead with a piercing blow on you. Being judged without a fair trial is really horrible. People see you as a crazy misunderstood brat when you see and feel differently. It's unfair. Well, perhaps that is the price of being quiet in a corner, not wanting attention. For others, attention boosts their ego, but not for me. Attention means scandal, rumors against you, the cause of your humiliation. I have attempted to learn the art of conversation, only to find out that it is best to keep quiet. Although I speak my mind from time to time, I know my limitations. I know that not everything that matters to me matters to the world. I have learned that lesson the hard way a long time ago, and it will be the last thing that I will forget. And for that, I do not express my emotio...

Tanggapin mo na lang ang katotohanang...

... ikaw ay pangalawa lamang sa magkapatid, at kailanman ay hindi mo malalamangan ang iyong kuya sa lahat ng aspeto ng iyong buhay mag-anak... ... mahirap lang kayo at mayayaman ang iba mong mga kaibigan. Oo nga at nakakaraos kayo sa buhay, ngunit hindi mo mabigyan ng luho ang sarili mo, umaangal ka pa kapag hinihingi ng mga magulang mo ang iyong ambag sa bahay... ... hindi ikaw ang pinakamagaling - mapasa-high school, college, sa paper, sa public health, maging sa musika, hindi ikaw ang cream of the crop ... ... hindi ka tunay na musikero. Kahit anong dalubhasa mo sa teyorya ng musika, ni minsan ay hindi ka naging magaling tumugtog ng kahit anong instrumento. Ni sa pag-awit ay hindi ka umasenso... ... tamad ka. Sabi nga ng mga amo mo noon, inefficient ka. Walang focus . Walang direksyon. Ni ang thesis mo hindi mo pa natatapos. Ngayon nga kung anu-ano pa ang ginagawa mo, alam mong marami kang dapat asikasuhin... ... nauubusan ka na ng kaibigan dahil sa anti-social propaganda mo. Sina...

Depresyon at Alta Presyon

Kapag tinopak ka nga naman sa harap ng computer... maiisipan mong mag-blog sa gitna ng napakaraming dapat mong gawin. Una sa lahat, nakikiramay ako sa pagkamatay ng dating Pangulong Corazon C. Aquino. Dinalaw ako ng lungkot sa aking pag-iisip ngayong gabi. Malungkot hindi dahil single ako (at hindi ko na dapat pa sinasabi 'yon) kundi dahil tila walang patutunguhan ang mga pagsusumikap ko. Tungkol sa aking pag-aaral ng epidemyolohiya, naiinip na ako sa paghinihintay sa pahintulot ng isang batikang doktor na may-ari ng datos na aking gagamitin. Sa hanay naman ng musika, ramdam ko na wala akong silbing mag-aaral ng musika hangga't hindi ko ipagpatuloy ang pag-aaral ng byulin o piano. Malungkot dahil pakiramdam ko ay kahit anong seryoso ang aking gawin sa aking pag-aaral, tila hilaw ang aking mga natutunan. Tila dumagdag sa bigat ng aking dibdib ang nalalapit na pag-alis ng aking dating guro sa byulin. Kahit hindi man niya sabihin kung kailan siya aalis, ramdam na namin na malapit ...